Thursday, December 21, 2006

Protest Rally Against Gloria's Cha-Cha: Dec 17, 2006



Kalikasan Peoples's Network for the Environment and AGHAM Join the Protest Rally Against Gloria's Cha-Cha in Liwasang Bonifacio to Luneta Grandstand last December 17, 2006

Sunday, December 10, 2006

ITIGIL ANG MGA PAGPASLANG SA MAMAMAYAN!! PATALSIKIN ANG PAPET, PEKE, KURAP AT PASISTANG SI GLORIA MACAPAGAL ARROYO!!!



ITIGIL ANG MGA PAGPASLANG SA MGA TAGAPAGTANGGOL NG INANG KALIKASAN PARA SA INTERES MAMAMAYAN!!!

December 8, 2006 sumali ang mga makakalikasang grupo sa pangunguna ng KALIKASAN PEOPLE'S NETWORK FOR THE ENVIRONMENT sa mga mamamayang gumunita sa pandaigdigang araw ng KARAPATANG PANTAO (Dec 10, 2006) sa Plaza Miranda sa Quiapo patungong Mendiola. upang mariing irehistro sa Rehimeng U.S Macapagal Arroyo ang pananagutan nito sa mga sunod sunod na pagpaslang hindi lamang sa mga Pampulitikang aktibista at maging sa hanay ng mga Environmental Activist! sa talaan ng Kalikasan-PNE labing siyam na ang napapaslang na mga Environmentalist mula sa ibat ibang sektor, APO JOSE DOTON sa Pangasinan. NICANOR DELO SANTOS sa Rizal, MARKUS BANGIT sa Benguet, NOLI CAPULONG Laguna, JOEY ISTREBER Aurora, VICTOR OLAYVAR Visayas, ROMEO SANCHEZ Ilocos, at iba pa..

Ang aming panata sa para sa kalikasan ay panata para sa bayan.. Hindi mabubusalan o mapipigilan pamalo o ng Punglo ang aming naghuhumiyaw na pagngangalit para kamtin ang hustisya at tunay na paglaya mula sa kuko ng mga ganid at naghahari-harian sa kayamanan ng kalikasan at bayan.. walang duda, susulong kami!!!