Thursday, December 21, 2006

Protest Rally Against Gloria's Cha-Cha: Dec 17, 2006



Kalikasan Peoples's Network for the Environment and AGHAM Join the Protest Rally Against Gloria's Cha-Cha in Liwasang Bonifacio to Luneta Grandstand last December 17, 2006

Sunday, December 10, 2006

ITIGIL ANG MGA PAGPASLANG SA MAMAMAYAN!! PATALSIKIN ANG PAPET, PEKE, KURAP AT PASISTANG SI GLORIA MACAPAGAL ARROYO!!!



ITIGIL ANG MGA PAGPASLANG SA MGA TAGAPAGTANGGOL NG INANG KALIKASAN PARA SA INTERES MAMAMAYAN!!!

December 8, 2006 sumali ang mga makakalikasang grupo sa pangunguna ng KALIKASAN PEOPLE'S NETWORK FOR THE ENVIRONMENT sa mga mamamayang gumunita sa pandaigdigang araw ng KARAPATANG PANTAO (Dec 10, 2006) sa Plaza Miranda sa Quiapo patungong Mendiola. upang mariing irehistro sa Rehimeng U.S Macapagal Arroyo ang pananagutan nito sa mga sunod sunod na pagpaslang hindi lamang sa mga Pampulitikang aktibista at maging sa hanay ng mga Environmental Activist! sa talaan ng Kalikasan-PNE labing siyam na ang napapaslang na mga Environmentalist mula sa ibat ibang sektor, APO JOSE DOTON sa Pangasinan. NICANOR DELO SANTOS sa Rizal, MARKUS BANGIT sa Benguet, NOLI CAPULONG Laguna, JOEY ISTREBER Aurora, VICTOR OLAYVAR Visayas, ROMEO SANCHEZ Ilocos, at iba pa..

Ang aming panata sa para sa kalikasan ay panata para sa bayan.. Hindi mabubusalan o mapipigilan pamalo o ng Punglo ang aming naghuhumiyaw na pagngangalit para kamtin ang hustisya at tunay na paglaya mula sa kuko ng mga ganid at naghahari-harian sa kayamanan ng kalikasan at bayan.. walang duda, susulong kami!!!

Tuesday, November 07, 2006

Sigaw ng Mamamayan., JUNK! JUNK! JPEPA NOW!



Photos from www.gmanews.tv/ Jes Aznar

JUNK JUNK JPEPA NOW!
Sigaw ng mga nag protesta sa harap ng Senado kahapon ng Tanghali. (Nov. 7, 2006)
Pinangunahan ng Kalikasan People's Network for the Environment (Kalikasan-PNE)at ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang Piket Action na ito kasama ang ibat ibang sektor mula sa Magsasaka, Manggagawa at Mga Environmental Advocates.

Wednesday, June 14, 2006

ANTI MINING TNCs and LARGE DAM ACTIVIST... Rafael Markus Bangit..

ANTI MINING TNCs ACTIVIST... Noel Capulong..

ANTI LARGE DAM ACTIVIST... Apo Jose Doton..

ANTI MINING TNCs and LARGE SCALE LOGGING ACTIVIST... Joey Estriber..

ANTI MINING TNCs ACTIVIST... Romy Sanchez..

ANTI LARGE DAM ACTIVIST... Nicanor Delos Santos..

Lafayette at DENR isara!

June 14, 2006

Galit na pinag ba-bato sa pamamagitan ng mga bulok na kamatis ng poprotestang mamamayan at makakalikasan sa pangunguna ng Kalikasan-PNE at iba pang Organisasyon ang larawan nina Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at Sec. Angelo T. Reyes sa harapan ng tanggapan ng DENR, tanda ito ng mariing pag kondena nila sa inutil na desisyon ng DENR para sa pag payag na muling mag operate ang LAFAYETTE MINING Inc. sa isla ng RAPU-RAPU sa Albay Bikol.
Matatandaang ang minahang ito ang itinuturo ng mga mamamayan na nakatira mismo sa isla ng rapu-rapu na pumatay ng mga isda at lumason sa yamang tubig ng isla.

Wednesday, June 07, 2006

LAFAYETTE MINING SA RAPU-RAPU, PALAYASIN PAGBAYARIN

nag protesta ang mga kasapi ng Kalikasan Peoples Network for the Environment at mga kasapi ng DEFEND PATRIMONY sa harapan ng DENR noong Mayo 24, 2006 upang hilingin sa ahensya (DENR) ang tuluyan nang pagsasara ng Lafayette Mining Inc. sa isla ng Rapu-Rapu sa Bikol. bunga nito, ang simbolikong paglalahad ng mga makakalikasan ang Fishkills na naganap sa kanilang malinis at produktibong karagatan na pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente sa Rapu-Rapu. sigaw ng mga Raliyista,
RAPU-RAPU SAGIPIN LAFAYETTE PALAYASIN! SCRAP MINING ACT OF 1995! REHABILITATE RAPU-RAPU ISLAND! MINING MORATORIUM IN RAPU-RAPU! DEFEND PATRIMONY!